Wednesday 4 February 2009

Mga Bagong Kautusan Sa Lansangan



1. Ang mga lalaking mahilig bumukaka sa mga upuang pangmaramihan ay tutuliin upang magkaroon sila ng angkop na dahilan upang bumukaka. Ang mga tuli na ay tutuliing muli.


2. Ang mga taong hindi makapag-abot ng bayad kahit wala naman silang mga katabi ay lalagyan ng pandikit sa puwet upang habang buhay na itong nakadikit sa upuan.

3. Ang mga mahilig pumara sa maling babaan ay pabababain sa gitna ng kalsada upang makipagpatintero sa mga rumaragasang sasakyan. Kapag sila ay nabangga, sadyang iiwan ang kanilang mga bangkay sa kalsada ng limang araw upang maging babala sa iba.

4. Para sa mga bus na tayuan, ang mga mahilig lumugar sa harapan kahit sa Cubao pa sila bababa galing Ayala ay gagawing konduktor.

5. Ang mga sinungaling at suwapang na konduktor na mahilig magsabi ng maluwag kahit masikip na ay siyang pauupuin sa sinasabi nilang maluwag.

6. Ang mga driver ng jeepney na mahilig tumigil sa walang katao-taong lugar upang magpuno ay sasakyan ng mga ligaw na kaluluwa.

7. Ang mga mahilig sumingit sa pila ng LRT o MRT ay gagawing bag inspector upang sila na palagi ang nasa harapan ng pila.

8. Ang mahilig manulak sa LRT o MRT ay ipagtutulak ng tren kapag ito ay nasira.

9. Ang mga kotseng mahilig sumingit sa trapiko ay gagasgasan ng kaha (kung bago ang pintura) o bubutasan ng gulong.

10. Ang mga mahilig magtapon ng resibo ng tollgate sa lansangan ay gagawing street sweeper. Kung ipahihintulot, maari rin silang gawing puno.

11. Ang mga traffic enforcer na mahilig mangotong ay tatanggalan ng suweldo. (Please help me think of a harsher punishment here.)

12. Ang mga motosiklista (motorcyclist) na mahilig humagitgit at humarurot sa lansangan ay pilit na ipapanuod ng "The Goriest Road Accidents on Earth"; papanuorin nila ito ng isang linggo habang kumakain.


There. Did I miss anything else? Please let me know.

6 comments:

  1. "Ang mga tuli na ay tutuliing muli."

    Please elaborate.

    ...

    No, I'm serious. I'm really curious. ;)

    Oh, and you missed one:

    11. Ang mga taxi driver na tumatanggi sa pasahero ay irerequire na makinig sa album ni Kris Aquino buong araw at buong gabi sa loob ng isang linggo.

    Hehehe! Cool blog, btw.

    ReplyDelete
  2. 1. You got me there. My guess is that we'll have to sew them new foreskins, let them heal, then circumcise them again! XD Okay, that's gross.

    2. Oh yeah, I forgot them taxis. We'd have to think of another artist/album, though. They might like Kris for all we know. Haha!

    3. Thanks, man! ;)

    ReplyDelete
  3. Hahaha!!! Funny and sarcastic, but most of all, TRUE!

    Ang saya di ako pumasok para magbasa ng blog! Woo hoo!

    ReplyDelete
  4. haha. nakakatawa ang tuli thing na ito ah

    ReplyDelete
  5. "My guess is that we'll have to sew them new foreskins, let them heal, then circumcise them again! XD Okay, that's gross."

    there's actually a process of reversing circumcision or restoring the foreskin. i read a story about it in GQ mag long long ago.

    there's this complicated contraption involved, and a lot of tugging here and there... you get the picture. ;)

    i always wondered how that would work... okay, let's experiment on those jeepney-riding men with legs wide open. ;)

    ReplyDelete
  6. Wah! Puwede bang mga European model na lang pag-eksperimentan natin? Hahahaha!

    ReplyDelete