...walang ibang alam na author kundi sina J.K. Rowling at Paulo Coelho.
...artista lang ang malakas (MAKAPAL) ang loob/mukhang tumakbo sa pulitika.
...pogi si Mayor kaya siya nanalo.
...Amerika ang pinakamataas na pangarap.
...mataas na grado ang basehan ng tunay na talino.
...Taglish lang ang hindi pangit pakinggan. (...baduy daw ang Pilipino, maarte daw ang Ingles.)
...basketball lang ang laro ng isang tunay na lalaki.
...ang tunay na lalaki ay pawisan, walang class, at kuneho kung mag-anak.
...ang lalaki ay para lamang sa babae; at ang babae ay sa lalaki.
...ang tanging katutubong sayaw ay "harlem".
...ang tanging genre na alam ng masa ay Hiphop at Rock.
...psychologically abnoy ang hindi kumakain ng karne.
...ang "pwede na" ay kasingkahulugan ng perpek.
...ang babaeng malakas tumawa ay puta o paglaki ay talipandas.
...Satanista ang nakikinig sa Rock music.
...ang doktor ay gumagamot para kumita at hindi para tumulong.
...ang ospital ay hindi para sa maysakit kundi sa may pera.
...tinutuli ang bata para "lumaki".
..."cute" ang batang sumasagot ng pabalang at pinagsusuot ng "spaghetti strap".
...okay lang murahin ang limang-taong gulang.
...kinakain si bantay.
...masarap magpulutan ng endangered species.
...madaling mag-inuman ngunit mahirap magsumikap.
...minimum wage sa guro at maximum sa artista.
...santo si Pacman at diyos ang mga letseng artista.
...kinse mil ang bayad para ngumiti sa patalastas.
...ginagawang katawatawa ang walang pera sa gameshow.
...ginagawang acting workshop ang TV (read: walang K umarte sa TV).
...pinapakanta at pinapasayaw ang mga artistang hindi naman kaya.
...amo ang dayuhan, katulong ang lokal.
...ayaw sa maitim (akala mo kung sinong maputi).
...mabaho daw si Bumbay at tulo-laway daw si Intsik, pero sino ba ang mahirap?
...na may taong walang alam ngunit ayaw magpaturo.
...na may taong may alam ng lahat ng ito ngunit walang ginagawa.
Hanggang dito ka na lang ba, Juan?
Akda ni Kekel at Andin (Kaye, Aldrin).
ay ewan ko nga ba at bakit nahumaling ang mga Pinoy sa larong Basketball. ako hindi fan ng basketball at minsan naiirita ako na sobrang sikat nitong sport na ito sa ating bansa. pero mas mage-excel tayo sa larong football. hindi requirement ang tangkad 'di tulad ng basketball. eh hindi naman talaga katangkaran ang karamihan ng mga Pinoy
ReplyDeletehay, pareho tayo. hindi ko rin nakahiligan iyan.
ReplyDeletei'm all for football! :)
very well said aldrin. especially the last two. you obviously think a lot about these things. I had a good laugh about that bit on basketball... being a bosconian, I don't really care for that sport very much Football is *the* game for me syempre. And when "puwede na" is uttered in the office, its a sure sign that everything has to be redone from scratch. more power
ReplyDeleteWhy thank you, demeter! // Yes, it frustrates me a lot worrying about our country, thus I'm venting here. Haha!
ReplyDelete