Lalaki ako. Mahal ko ang titi ko. Sapat na 'yun para maging lalaki. Hawak ko ang kasarian ko, hindi mo o ninuman. Iiyak ako kung gusto ko, at uurong ako sa inuman kung kailan ko gusto.
Desisyon ko ring hindi mag-asawa kung gugustuhin ko; hindi ito kabasawan sa pagkalalaki ko. Kung babae man o lalaki -- o pareho -- ang hilig ko ay wala na kayong pakialam dun. Sino'ng sira-ulo bang may sabi na ang lalaki ay para lamang sa babae?
Wala nga palang kasarian ang tela. Lalaki pa rin ako kahit ano'ng isuot kong damit. Hindi malalaglag ang bayag ko kapag nagpalda ako o headband; kaya pa rin kitang upakan (at kaya ka ring upakan ng lola ko -- ang kakayahang umupak ay walang kinalaman sa kasarian o edad ng isang tao).
Hindi kita mapipigilang tawaging akong bakla kung 'yun lang ang konseptong kaya ng makitid mong utak. Wala rin akong pakialam kung utos ng relihiyon mong bano na kamuhian mo ako. 'Di ko kasalanang tanga ka. Basta, ako, lalaki ako -- isang taong pinanganak na may titi, at nagmamahal sa kanyang titi. Kung 'di mo ako kayang igalang, bahala ka, buhay mo 'yan. 'Wag mo lang akong pagkaitan ng karapatan kong pantao para pagharian ang sarili kong kasarian at pagkakakilanlan. 'Wag kang haharang-harang sa daan ko.
Siya nga pala, kahit sino pwedeng uminom ng Colt .45, mapababae o mapalalaki.
No comments:
Post a Comment