Tuesday 30 December 2008

Para po!



Pasahero: Para sa tabi.


Tsuper: Bawal po dito, doon po tayo sa babaan.


Pasahero: Para...

Tsuper (at ibang pasahero): Bawal po dito...


Pasahero: Para!


Tsuper: Mahuhuli po tayo dito...


Pasahero: Para!!! Ang layo-layo na ng lalakarin ko!
(bumababang galit, sabay hampas sa pinto)


Boses Sa Itaas: Ale, hindi na namin problema kung malayo ang bahay niyo sa tamang babaan. Sumusunod lang si manong sa batas. Ngayon, kung magmamatigas pa iyang kokote niyong makunat umunawa na bumaba sa babaang taliwas sa tama, huwag niyo kaming idamay! Punheta.

2 comments:

  1. Sana tiningnan mo ng masama. Kung ako yun, talagang aangasan ko yung Ale.

    Happy New Year sayo at kay SO. :)

    ReplyDelete
  2. Haha! Alam niyo naman ako, pormal sa personal. ;)

    Maligaya at manigong bagong taon din sa iyo Kapatid! Mula samin ni S.O. (Talagang ni-research ko pa kung ano yung "SO".)

    ReplyDelete