Codename Bubbles Paraiso: “Ni-text ko na siya.”
(Aldrin chokes a little but continues...)
Aldrin: “Salamat.”
Bubbles Paraiso: “Ni-bigay ko na rin 'yung pinabibigay mo.”
Aldrin. “...”
Bubbles Paraiso: “At ni-bigay ko na rin 'yung email address mo.”
(Aldrin jumps on his chair, shouts kamikaze, and pricks the hollow bubble of her life-force.)
I do not get it. I was willing to let "ni-text" go, but "ni-bigay"? Mad! I have also been hearing "ni-tawag" and "ni-kain" lately. Where ever do these people get that sort of shit?
Ni-bwibwisit niyo si Balagtas eh! Learn your fucking gitlapi.
(Modified: 28 May 2008)
Ni-papacute lang sila! kaw naman, ni-iinis ka na agad! haha!
ReplyDeleteNi-gilitan ko na sila ng leeg. Ni-patay ko na silang lahat, hahaha!
ReplyDeleteWelcome, mango pepper! Your blog looks scrummy/delish. :)
Baka kasi hindi nila ni-aral ang Balarila... tsk-tsk-tsk
ReplyDeleteKasi Aldrin, hindi lahat ng tao ay native speaker ng Tagalog. Kung ibang Philippine-type language ang mother tongue nila, iaadapt nila ang native na pamamaraan ng panlalapi nila kapag nag-shift sila ng wika.
ReplyDeleteKyoichi: Ayos lang naman kung ganun ang kaso. Kaso hindi e. Mga Tagalog ang nariringgan ko ng ganito. At yun ang ikinalulungkot ko (at ikinapuputok ng butsi ko). Sayang kasi ang ibina(ba)yad ng mga magulang nila sa Filipino class, hehehe!
ReplyDeleteAcrylique: Yun ... o nagpapa-cute sila. Haha!
Hindi lamang isa ang dialect ng Tagalog. Kung papakinggan ang Tagalog ng mga taga-Mindoro at taga-Marinduque, makikitang medyo malayo ito sa nakagisnan ng marami na Tagalog-Manila.
ReplyDeleteAlam natin 'yan, Kyoichi. Sa loob pa nga lang ng Kabite ay mayroon ka nang maririnig na pagkakaiba sa dialecto. Nakarinig na rin ako ng taga-Marinduque na nagsabing "atulungan" imbis na "tutulungan".
ReplyDeleteGayunpaman, hindi mga taga-Marinduqe o Mindoro ang nariringgan ko ng mga nasabi ko sa itaas, kundi mga taga-Maynila mismo. Inihahalintulad ko ang ganitong kamalian sa kamaliang tama raw ang "trainor". Simple, dahil pareho silang mintis sa pinag-aralan natin nung tayo'y nasa escuela pa.
Nakadalo ako ng isang diskusyon ukol sa isang phenomenong tinatawag na Language Drift. Kadalasan ang ugat ng mga ganitong uri ng innovation ay ang ating educational system. Mali ang turo ng guro; mali ang nalalaman ng mag-aaral. Kumakalat ito hanggang nagiging evident sa diskurso. Ngunit para sakin, di dapat isisi lamang sa mga gumamit ng "kamaliang" ito dahil hindi naman tayo sigurado sa mga kadahilanang nag-uudyok ng kanilang paggamit.
ReplyDeleteTama, sang-ayon ako sa iyo. Pero gaya ng nasabi ko na, ang aking mga argumento ay hindi sa mismong pag-gamit ng wika kundi ang mga "pangit" na implikasyon sa uri ng pananalita na ginagamit natin. Sana lamang talaga ay hindi "pagpapa-cute" ang kadahilanan ng nakararami.
ReplyDelete